readbud - get paid to read and rate articles

9.19.2011

Move On

MOVE ON. Sabi nila madali lang gawin yun kung gugustuhin mo. Madali nga ba? Na kalimutan yung feelings mo sa taong minahal mo nang sobra. Na isipin na di na mauulit ang masasayang ala-ala. Na araw-araw gigising ka na malungkot dahil ang dating minahal mo ay may mahal ng iba. Na pilit mong tatanggapin na di kayo para sa isa't-isa. At umiyak na lang dahil alam mong masaya siya kahit wala ka. Madali nga ba? Madali lang sabihin na magmove-on. Pero once na ikaw ang nasa sitwasyon yung akala mong madaling gawin nakakamatay tanggapin.

No comments: