readbud - get paid to read and rate articles

6.14.2011

Reckless Driver

May tricycle driver na madalas umuwi ng hating-gabi na.

Sa daan pauwi ay kailangan niyang lampasan ang sementeryo. Isang gabi, habang siya'y nagmamaneho pauwi ay may nakita siyang sobrang puti at magandang babae na nakatayo sa tabi ng sementeryo, kumakaway ito. Dahil malambot ang puso ng tricylce driver, naawa siya at isinakay ang babae kahit kinakabahan.

Binilisan niya ang takbo ng tricycle dahil sa sobrang kaba.

nais niyang makalampas agad sa nakakatakot na sementeryo.

Pagkalampas ay nakahinga siya ng malalim. Subalit pagtingin niya sa kanyang pasahero ay wala na.

Nang sumunod na gabi ay nakita niya ulit ang babae at isinakay ulit ito. Muli rin siyang kinabahan, nagmadali paglampas sa sementeryo at paglingon ay nawala ulit ang babae.

Sa pangatlong gabi ay muli niyang nakita ang babae. Talaga nga namang mabait itong tricyle driver so muli niyang pinasakay ang babae.

Habang siya'y nagmamaneho ay matinding kaba ulit ang naramdaman niya. Binilisan niya ang takbo ng tricyle upang makalampas ng semeteryo.

Subalit nang tumingin siya sa kanyang rearview mirror, napansin niya na lumalapit ang babae sa kanya. Kinabahan ng husto ang driver at talagang binilisan ang tricycle. Nakita niya na papalapit ang babae..mukhang inaabot siya..hanggang sa hinawakan siya sa braso..at sinabing...

"Mama, pwede po bang pakibagalan niyo naman po, ilang beses na po akong nahuhulog eh!"

No comments: