readbud - get paid to read and rate articles

4.29.2011

May Nangyari Ba Kay Mommy?

May mag-asawang lagi na lang nagaaway. Madalas nauuwi ito sa sakitan. Isang gabi, nagdilim ang paningin ng Mister, sinakal nya ang kanyang asawa hanggang sa mamatay. Sa takot na malaman ng iba ang nagawa, ibinaon nya ang katawan sa likod ng kanilang bahay at maingat na pumasok sa loob ng bahay na parang walang nangyari..

Isang Linggo na ang nakalipas. Nagtataka sya bakit di man lang hinahanap ng kanyang Anak ang Mommy nya.. Hanggang sa Isang Araw..

Anak: Daddy.. May nangyari ba kay Mommy?

Nagulat ang Ama ngunit di nya ito pinahalata..

Ama: Ah... wala naman anak... bakit mo naitanong?

Anak: Akala ko kase.. hindi na makalakad si Mommy.. kase lagi mo syang Pasan-pasan...

No comments: